Batang lalaki, natusok ng ‘metal spring’ sa likod habang nagta-trampoline

Photo courtesy: Jamie Quinlan facebbok

Natusok ng ‘metal spring’ sa likod ang isang 12-anyos na batang lalaki habang nagtata-talon ito sa trampoline ng kaibigan sa Eastern Lincolnshire.

Kinilala ang bata na si Jamie Quinlan na sinasabing nagtrampoline sa garden ng kaniyang kabigan ng mangyari ang aksidente.

Ayon kay Jamie, sa kalagitnaan ng kanyang pagba-bounce ay bigla na lang siyang nakaramdam ng mabigat sa kanyang likuran hanggang sa mayroon na itong kirot at sakit.


Dito napag-alaman na natusok na nga siya ng spring ng trampoline.

Agad itong dinala sa emergency room ng Sheffield Children’s Hospital dahil nasa 6-cm ang lalim ng tumusok na spring sa likuran ng bata.

Binahagi naman ni Jamie kung gaano siya nakaramdam ng takot at kaba dahil sampung minuto umano ang itinagal bago tuluyang matanggal ang nasabing spring.

Payo naman nito, “Be careful of them, they don’t seem as safe as they look.”

Kasalukuyan namang nagpapagaling ngayon si Jamie.

Facebook Comments