Batang lalaki, patay matapos mahulog sa estero sa Paco Maynila

Paco, Maynila – Patay ang 11-taong gulang na batang lalaki matapos mahulog sa isang estero sa Paco, Maynila.

Kinilala itong si Rvin Dequiro, isang special child.

Natutulog umano ang mga kamag-anak ng biktima nang bigla siyang lumabas ng bahay at pumunta sa kanilang kapitbahay.


Kwento ng kapitbahay na si Antonio Ballester – huli niyang nakita si Rvin sa kanilang likod-bahay at hinihimas ang alaga niyang manok.

Maya-maya pa’y tumakbo ang bata papunta sa Estero De Concordia.

Makalipas ang ilang oras, natagpuan na lang na palutang-lutang na sa estero ang biktima.

Dead-on-arrival sa ospital ang bata.

Facebook Comments