Batang lalaki, patay matapos malunod sa imbakan ng tubig sa Ilocos Norte

(Photo: Badoc PNP)

Patay ang 11-anyos na bata matapos itong malunod sa imbakan ng tubig nitong Linggo.

Nangyari ang trahedya sa Barangay Sta. Cruz sa bayan ng Badoc, Ilocos Norte kung saan matagpuan ang bangkay ng biktima.

Sa ulat ng Badoc Police, alas 6 ng umaga nang magpaalam daw ang bata na aalis para kumuha ng palaka.


Ipinagtaka raw ng kanyang mga magulang ang matagal nitong pag-uwi dahil hindi pa umano ito nakakapag-almusal.

Bandang alas 8 ng umaga nang magpasya na umanong hanapin ng ama ang bata at umabot ng hapon ang pagsasagawa nito.

Hanggang nakita raw ng tatay ang tsinelas ng kanyang anak na mayroong 30 metrong layo mula sa impounding area.



Dito na raw siya humingi ng tulong sa mga kabarangay para hanapin ang kanyang anak.

Natagpuang wala ng buhay ang biktima na isinugod pa sa ospital ngunit kalaunan ay idineklara ring dead on arrival.

Facebook Comments