Batang lalaki sa US, nabaril ng 4 na beses habang gumagawa ng TikTok videos

(Shutterstock)

ATLANTA, Georgia – Sugatan ang isang batang lalaki matapos mabaril ng apat na beses ng hindi kilalang lalaki habang gumagawa ng TikTok videos.

Kwento ng ina ni Javonni Carson, 9, sa The Atlanta Journal-Constitution, kasama ng anak ang dalawa pa nitong kapatid sa isang parking lot sa labas ng Gaja Korean Bar bandang alas 9 pm noong Miyerkules.

Gumagawa raw ang kanyang mga anak noon ng TikTok videos nang may isang sasakyang dumating saka nagpaulan ng bala sa mga taong nasa lugar.


Sa report ng pulisya, tinamaan sa binti ng apat na beses ang bata na agad namang naidala sa ospital.

Dalawa katao rin ang naiulat na tinamaan– isang lalaking tinamaan sa kamay at ang isa naman ay sa bandang puwetan.

Kasalukuyan namang nagpapagaling si Carson matapos sumailalim sa operasyon at inaasahan naman ang mabilisan niyang pagrekober.

Wala pa ring naisasagawang pag-aresto sabi pa ng Atlanta Police.

Facebook Comments