Batang lalaki sumakay sa isang baggage conveyor belt

4110
Screenshot via Hartsfield-Jackson Airport CCTV

Sumampa at napasakay ang isang batang lalaki sa baggage conveyor belt ng isang paliparan sa Estados Unidos kung saan umabot ito hanggang sa restricted screening area ng Transportation Security Administration (TSA).

Makikita sa bidyo na naging viral sa social media na nasa conveyor belt ang paslit at tila nag-merry go round ito sa makinang umiikot-ikot.


Mapapansin din na pinipilit ng musmos na makaalis sa conveyor belt ngunit mabilis ang paggalaw nito.

Nagulat na lamang ang airport security na maliban sa bagahe, may batang lumitaw sa kanilang scanner.

Salaysay ng ina, nalingat lang siya sandali at bigla nang nawala ang kaniyang anak.

Sa ngayon, nasa maayos na kalagayan ang bata at nagtamo lamang ng malalaking pasa sa kanang kamay.

Naganap ang insidente sa Hartsfield-Jackson Airport sa Atlanta nitong Hulyo 22.

Panoorin ang kabuuang pangyayari:

Facebook Comments

From Advertisers