Posibleng nagkaroon muna ng tigdas bago mabakunahan ang tatlong gulang na batang lalaki na nagkasakit ng polio sa Quezon City.
Ayon kay Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III, mayroong pag-aaral na kapag nagkaroon ng measles ang isang bata ay nawawala ang mga anti-bodies nito na dahilan para magkaroon ito ng sakit na polio, kahit tinurukan na ito ng anti-polio vaccine.
Aniya, kapag nagkaroon ng measles ang isang bata, posibleng ma-wipe out ang mga anti-bodies nito sa katawan na tinatawag na immune amnesia.
Samantala, mahigpit nang nakikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa DOH matapos makumpirma ang kauna-unahang kaso ng polio sa lungsod.
Paliwanag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, inaalam na nila sa DOH kung ano ang kinakailangang maging susunod nilang hakbang para maagapan ang pagkalat pa ng sakit na polio sa kanilang lugar.