BATANG MAY CLEFT PALATE, IPINAOPERA NG LIBRE NG PAMAHALAANG BAYAN NG BAYAMBANG

Ang mga magulang gagawin ang lahat para sa kanilang anak at sila rin ang huhubog sa kanilang pagkatao na siyang pinatunayan ng mga magulang na ito mula sa bayan ng Bayambang.
Upang mabigyan ng komyansa ang kanilang anak na may Cleft palate inilapit nila si Jerzey T. Bambilla sa Bayambang Mayor’s office upang ihingi ng tulong ang kanyang kalagayan.
GOD is good dahil naoperahan ito ng libre sa tulong ng Kasama Kita sa Barangay Foundation, Niña Cares Foundation at Mayor’s Action Center (MAC) Bayambang. Inalalayan nila si Jerzey mula sa kanyang checkup hanggang sa ito’y naoperahan.

Sa pamamagitan ng sulat inilahad ng mga magulang ni Jerzey ang lubos na pasasalamat sa mga tumulong sa kanila upang mabigyan ng magandang bagong ngiti ang bata. |ifmnews
Facebook Comments