
Nakuha na ang walong taong gulang na batang lalaki na nahulog sa Tullahan River sa Brgy. Tinajeros sa Malabon.
Batay sa paunang impormasyon mula kay Laarni dela Cruz ng Malabon City DRRMO, nakuha ang bata pasado 11:00 ng umaga.
Una nang nagsagawa ng retrieval operations ang Malabon City DRRMO, Malabon BFP, Malabon PNP, Philippine Coast Guard, Brgy. Tinajeros at volunteers.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.
Facebook Comments










