BATANG NAMIMINGWIT, PATAY MATAPOS ATAKEHIN NG EPILEPSY

CAUAYAN CITY – Hindi na nailigtas pa at tuluyang binawian ng buhay ang isang bata matapos itong malunod sa Brgy. Villa, Sta Teresita, Cagayan.

Ang biktima ay isang 11-anyos na elementary student na nagtungo lamang sa irigasyon upang sana’y mangisda.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagkayayaan ang biktima at kanyang dalawang kaibigan na manghuli ng isda matapos ibaba ang abiso ng kanselasyon ng mga pasok.


Dahil walang mga pain ang mga ito ay inutusan ng biktima ang kanyang dalawang kaibigan na kumuha muna upang kanilang gamitin.

Ngunit pagbalik ng dalawa ay laking gulat ng mga ito nang makitang nakalutang na sa ilog ang biktima at hindi na gumagalaw.

Wala namang nakitang foul play sa pagkamatay ng biktima at nasa hanggang bewang lang ang lebel ng tubig sa irigasyon.

Nabatid mula sa stepfather nito na may sakit na epilepsy ang bata at posibleng intake ito ng kanyang sakit.

Facebook Comments