Pitong taong gulang lamang ang batang si Mikell Zachary “Zach” Guico subalit world championship na ang nasungkit nitong medalya sa larong Golf.
Mahigit isandaang bata mula sa iba’t ibang bansa ang tinalo ni Zach sa 7 year old Boys Division sa naganap na US Kids Golf World Championship sa Pinehurst, North Carolina, USA noong July 31 hanggang August 2, 2025.
Tubong Binalonan si Zach at pamangkin siya ng kasalukuyang gobernador ng lalawigan.
Ayon sa isang ulat, ang TV Series na “The Short Game” ang nagsilbing inspirasyon ni Zach para magpursige sa larong Golf.
Kaya naman tunay siyang ipinagmamalaki ng kaniyang mga kababayan dahil sa murang edad ay nagpamalas na ito ng world class na galing sa larangan ng Golf. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









