BATANG SWIMMER SA LA UNION, KAKATAWAN SA PILIPINAS SA 47TH SOUTHEAST ASIA (SEA) AGE-GROUP SWIMMING CHAMPIONSHIP SA SINGAPORE

Ipinamalas ni Kyla Louise Bulaga, isang batang atleta mula La Union, ang kanyang husay sa paglangoy matapos manguna sa 200-meter butterfly (long course) sa katatapos na National Tryouts na ginanap sa Rizal Memorial Sports Complex.

Ang naturang kompetisyon ay nagsilbing seleksyon para sa 47th Southeast Asia (SEA) Age-Group Swimming Championship na gaganapin sa Singapore mula Hunyo 20 hanggang 22, 2025.

Itinuturing na malaking karangalan ang tagumpay ni Kyla hindi lamang para sa kanya kundi para rin sa buong probinsya ng La Union, na aktibong isinusulong ang grassroots sports development sa rehiyon.

Inaasahan na si Kyla ay magiging isa sa mga pangunahing pambato ng bansa at may malaking potensyal na makipagsabayan sa pinakamahuhusay na batang swimmer sa buong Southeast Asia.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments