Tuesday, January 20, 2026

Batangas at Batanes, niyanig ng magkahiwalay na lindol

Niyanig ng magkahiwalay na lindol ang Batanes at Batangas.

Ayon sa Phivolcs, Magnitude 4.0 na lindol ang yumanig sa 197 kilometro hilagang-kanluran ng Itbayat, Batanes kagabi.

Nasa 48 kilometers ang lalim ng pagyanig.

Sinundan ito ng magnitude 3.1 na lindol sa 15 kilometro timog-silangan ng Lobo, Batangas kaninang madaling araw.

May lalim naman itong dalawang kilometro.

Tectonic ang pinagmulan ng mga pagyanig at wala namang naitalang pinsala sa mga ari-arian.

Hindi rin inaasahan ang mga aftershocks.

Facebook Comments