Batangas – Niyanig ng magnitude 6.3 ang lalawigan ng Batangas at narandaman din ito sa mga karatig lalawigan at sa Metro Manila, kaninang hapon.
Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology Director Renato Sulidom, dakong ala-1:28 ng hapon kanina nang marandaman ang lindol at ang epicenter nito ay nasa Batangas.
Paliwanag ni Sulidom, ang origin ng lindol ay Tectonic at nasa 160 km ang lalim nito sa dagat.
Aniya bagama’t may kalakasan ang narandaman ng lindol subalit tiniyak naman ng Phivolcs na hindi ito makakadulot ng ano mang pinsala at wala rin inaasahang mga aftershocks.
Naramdaman ang Intensity 4 sa Calayan, Mindoro; at Subic, Zambales; Rosario, Cavite; Manila ; Sablayan, Occidental Mindoro.
Intensity 3 naman sa Pateros City; Quezon City; Makati City; Malloy, Bulacan; Cainta, Rizal; Calamba, Laguna.
Intensity 2 sa Magalang, Pampanga; Tanauan City, Batangas at Intensity I sa Talisay Batangas.
Nairekord naman ng Phivolcs ang Instrumental Intensities ang Intensity 3 sa Calumpit, San Ildefonso, Bulacan; Tagaytay City at Intensity II sa Lucban, Quezon.
Kaugnay nito nagsilabasan ang lahat ng mga empleyado ng gobyerno dito sa QC dahil naramdaman nila ang naturang lindol.