Batangas, ginulantang ng magnitude 6.7 na lindol at 5.1 aftershock

Niyanig ng magnitude 6.7 na lindol ang Batangas kaninang alas-4:49 ng umaga.

Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lalim nito na may 116 kilometers.

Naitala ang pagyanig 16 kilometers timog kanluran ng bayan ng Calatagan.


Naitala ang Intensity V sa mga sumusunod na lugar:
• Calapan City (Oriental Mindoro)
• Puerto Galera (Oriental Mindoro)
• Sablayan (Occidental Mindoro)
• Magsaysay (Occidental Mindoro)
• Tagaytay City (Cavite)
• Carmona (Cavite)
• Dasmariñas City (Cavite)

Intersity IV:
• Quezon City
• Marikina City
• Manila City
• Makati City
• Taguig City
• Valenzuela City
• Pasay City
• Batangas City
• Talisay City, Batangas
• San Mateo, Rizal

Intensity III sa Pasig City at San Jose del Monte City, Bulacan.

Pagkatapos nito, naitala naman ang magnitude 5.1 na aftershock, 12 kilometers timong kanluran ng Calatagan at may lalim na 107 kilometers.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang Intensity 3 sa Taguig City at San Juan del Monte, Bulacan.

Ayon kay Phivolcs Director Undersecretary Renato Solidum, asahan pa ang aftershocks pero hindi naman ito magdudulot ng anumang pinsala sa ari-arian.

Kapag malalim aniya ang lindol, hindi ito nagdudulot ng tsunami.

Ang pagyanig ay bunga ng paggalaw ng Manila Trench.

Facebook Comments