Kumpyansa si House Deputy Speaker at Batangas Representative Vilma Santos-Recto na handa ang pamahalaang lokal ng Batangas sakaling umabot sa “worst case scenario”ang sitwasyon sa Bulkang Taal.
Ayon kay Santos-Recto, mayroong team sa kanilang lokal na pamahalaang panlalawigan mula sa provincial level pababa sa municipal government at city level.
Sa sandali naman na magkaroon ng improvement sa sitwasyon sa Taal ay sunod na nilang tatalakayin ang tungkol sa rehabilitation effort sa lalawigan.
Sinabi pa ng lady solon na umabot na sa 11,000 indibidwal mula sa ibat ibang lugar ng Batangas na naapektuhan ng pag-sabog ng bulkan ang nasa evacuation centers sa Lipa City.
Pero, naging problema aniya ang hindi pantay-pantay na distribusyon ng relief goods sa dami ng evacuation centers kaya makikipag-usap na rin siya sa iba pang local government officials para maisaayos ang sistema ng pamamahagi ng tulong.