Batangas police, hinikayat ang mga residente na nabiktima umano ng looting na mag-report sa mga pulis

 

Hinikayat ni Batangas Police Provincial Director Col. Edwin Quilates ang mga inidbidwal naapektuhan ng pagputok ng Bulkang taal na mag-report sa kanila sakaling mabiktima ng looting o pagnanakaw sa mga iniwang bahay.

 

Ayon kay Quiltes, batid nila ang posibilidad na may mga manamantala sa sitwasyon lalo pa’t Forced Evacuation na ang ipinatutupad sa ilang bayan.

 

Dagdag pa ng opisyal na wala pa silang kumpirmadong kaso ng ‘looting’ sa Talisay, Agoncillo at iba pang mga Bayan.


 

Napag-alaman na may ilang residente na nakawan sa Agoncillo Batangas na nalimas umano ang tindahan at nanakawan umano ng TV.

 

Sakaling manakawan habang nasa Evacuation Center, maaring tumawag sa Batangas PPO hotline na 09985985673.

 

Facebook Comments