Tinatayang nasa 8,000 pasahero na ang masi-serbisyuhan ng Batangas Port Passenger Terminal Building sa Batangas City, mula sa dating kapasidad na 2,500 kada araw.
Ito’y matapos pasinayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at ng Philippine Ports Authority kahapon ang P1.3 billion na bagong terminal building.
Ayon kay Pangulong Marcos, bukod sa mas pinalawak at pinagandang pasilidad ay mayroon na ring multi-level car storage facility na maaaring mag-accommodate ng 13,000 na mga sasakyan.
Dahil dito ay inaasahang lalakas pa aniya ang turismo at kalakalan sa CALABARZON, MIMAROPA at Bicol Region at madadagdagan din ang mga magkakaroon ng hanapbuhay at negosyo.
Dagdag pa ng pangulo na makakatulong din ito upang mapaluwag ang Metro Manila at inaasahang magbibigay ng 1,800 na mga bagong tabaho para sa mga taga-Batangas.