Manila, Philippines – Magsasagawa ng press briefingmamayang alas-8:00 ng umaga ang PHIVOLCS-DOST at Batangas Provincial DisasterRisk Reduction Management Office (PDRRMO) kaugnay ng nangyaring serye ng lindolnitong Sabado.
Ayon kay Batangas Gov. Hermilando Mandanas – nanatilingnasa State of Calamity ang nasabing lalawigan.
Patuloy aniya ang ginagawa nilang assessment atpamamahagi ng tulong sa mga lugar na lubhang napinsala ng lindol.
Nanawagan naman ng tulong si Mabini, Batangas Mayor NoelLuistro para sa mga naapektuhan ng lindol.
Sa tala ng PHIVOLCS, higit 1,000 aftershocks na angnaitala noong naunang lindol noong Abril 04.
Aabot na 80 milyong piso ang inisyal na danyos kung saan150 bahay ang nasira mula sa 34 na barangay.
Sa ngayon, nasa higit limang libong residente angnananatili sa evacuation centers.
Batangas Provincial Disaster Management Office, magsasagawa ng briefing ngayong umaga kaugnay ng nangyaring serye ng lindol nitong Sabado – Batangas government, nasa State of Calamity pa rin
Facebook Comments