Batangas, wala naitalang pinsala o nasawi matapos ang magnitude 6.3 na lindol

Kinumpirma ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) na walang naitalang pinsala o sugatan sa lalawigan matapos itong yanigin ng magnitude 6.3 na lindol, kaninang umaga.

Ayon kay Lito Castro ng Batangas PDRRMO, agad nilang sinuri ang unang distrito ng probinsya kabilang ang Balayan, Calaca, Calatagan, Lemery, Lian, Nasugbu, Taal, Tuy na pawang naapektuhan ng lindol.

Bagama’t sanay na sa lindol ang ilang residente sa Batangas, nagdulot pa rin aniya ng pangamba ang naganap na lindol.


Karaniwang pinagmumulan ng lindol ang dagat sa pagitan Mindoro at Calatagan.

Samantala, ilang bahay sa Occidental Mindoro ang bahagyang napinsala dahil pa rin sa nasabing lindol.

Facebook Comments