Pinasisilip ni Senator Raffy Tulfo sa Senate Committee on Games and Amusement ang mga batas at regulasyon na sumasaklaw sa mga casino customers sa Pilipinas.
Naalarma si Tulfo sa pagdami ng criminal activities na naglalagay sa kapahamakan ng mga tumatangkilik sa mga casino.
Ipinaliwanag ni Tulfo sa inihaing Senate Resolution 799 na sa mga nakalipas na taon, nagkaroon ng kontribusyon ang casino gaming industry sa development ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho at kita mula sa turismo.
Iginigiit ng senador na dapat maging malawak ang promosyon ng “responsible gambling” at magkaroon ng regular na pagrerebisa sa mga batas at regulasyon na may kinalaman sa operasyon at pamamahala ng mga casino.
Nakasaad din sa resolusyon ang pangangailangan na pag-aralan ang epekto ng palaro ng casino sa finances, mental health, social relations at overall well-being ng isang tao.