Batas hinggil sa VAT, nais repasuhin ng DOF

Irerepaso ng Department of Finance (DOF) ang batas hinggil sa Value Added Tax (VAT), partikular ang mga exemption na nagdudulot ng paggkawala ng kita ng gobyerno.

Ayon kay DOF Secretary Benjamin Diokno, kailangang pag-aralan at suriin ang batas sa pagbubuwis upang malaman ang hakbang na dapat gawin.

Paliwanag ni Diokno, aabot sa tinatayang 10.7% ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa ang makokolekta ng gobyerno kung iiral ang zero rating, 100% na efficient o mahusay, at walang exemption ang pagbubuwis.


Sa ngayon kasi aniya ay umaabot lamang sa 4.7% ng GDP ang nakokolekta ng gobyerno.

Dagdag pa ng kalihim, na bago matapos ang taon ay ilalabas nila ang listahan ng mga transaksyon na aalisin sa exemption sa VAT.

Batay sa Tax Code, may 29 na transaksyon na exempted sa VAT, kung saan kabilang ang mga serbisyong may kinalaman sa edukasyon, kalusugan, pang-agrikultura, at pangingisda.

Facebook Comments