Batas kontra ‘recycled mantika’ isinusulong sa Kamara

Manila, Philippines – Isinusulong ngayon sa Kamara ang bataskontra sa paggamit ng mga used cooking oil o yung mga mantikang gagamitin ulitng ilan pang beses.
 
Sa inihaing house bill 814 ni Ako-Bicol Party listRepresentative Rodel Batocabe, ipagbabawal na ang pagbebenta o paggamit ng usedcooking oil.
 
Batay sa panukala, multang 10,000 hanggang 50,000 pesos angipapataw sa sinumang mahuhuli at lalabag dito.
 
Ayon kay Department of Health (DOH) Spokesperson Eric Tayag –delikado ang paggamit ng mantika ng paulit-ulit.
 
Iba’t-ibang sakit aniya ang pwedeng makuha gaya ng hypertension,problema sa atay at cancer.
 
Hamon ngayon ng DOH kay Rep. Batocabe, siguruhing maipapatupadang enforcement nito lalo’t mas ginagawa itong patago ang pagbebenta atpaggamit nito.
 

Facebook Comments