BATAS MILITAR | AFP, handa na sa kanilang presentasyon para sa martial law extension sa Mindanao

Manila, Philippines – Nakahanda na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang presentasyon para hikayatin ang Kongreso na i-extend ang martial law sa Mindanao sa loob pa ng isang taon.

Ayon kay AFP Public Affairs Chief Noel Detoyato, kumpiyansa sila na makukumbinsi nila ang mga mambabatas sa gaganaping joint session sa Miyerkules, December 12.

Nakapaloob aniya sa kanilang report ang assessment sa kasalukuyang sitwasyon sa rehiyon gayundin ang sentimiyento ng mga taga Mindanao.


Aniya, mayroon pa ring security threats na kailangang ikunsidera sa katimugang bahagi ng bansa.

Kapag naaprubahan ang proposed extension, tiniyak ng AFP na wala nang dagdag pwersa na ipapadala sa Mindanao.

Facebook Comments