BATAS MILITAR | AFP, kumpyansang maipapaliwanag ang rekomendasyon nilang martial law extension

Kumpiyansa ang militar sa kanilang inihandang report sa mga mambabatas kaugnay ng pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office Chief, Colonel Noel Detoyato, kaugnay ng nakatakdang pagharap ng mga opisyal ng militar at Department of National Defense (DND) sa mga mambabatas ngayong linggo.

Ipagtatangol ng AFP ang kanilang rekomendasyon na palawigin ang batas militar sa Mindanao ng isa pang taon.


Ayon kay Detoyato, ang kanilang presentasyon sa mga mambabatas ay nakasentro sa assessment ng current situation at feedback mula sa mga tao sa Mindanao na apektado ng umiiral na martial law.

Nasa Kongreso na aniya kung aaprubahan nila ang pangatlong extension ng martial law.

Una nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na mismong mga stakeholders, tulad ng mga Local Government in the Philippines o LGU’s at mga mamamayan mismo ang may gusto na palawigin pa ang batas militar dahil sa malaking improvement sa peace and order sa lugar mula nang pairalin ang batas militar.

Facebook Comments