BATAS MILITAR | AFP, nakaalerto sa posibleng pag-atake ng NPA

Manila, Philippines – Nakaalerto ngayon ang militar laban sa posibleng pag-atake ng rebeldeng komunista.

Ito ay matapos ipag-utos ng Communist Party of the Philippine-News Peoples Army o CPP-NPA na paigtingin pa ang mga pag-atake matapos palawigan pa ng ang martial law sa Mindanao.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, hindi na nila ikinagulat ang utos na ito ng CPP-NPA.


Aniya, batid nilang hindi seseryosohin ng rebeldeng grupo ang idineklarang nilang tigil putukan ngayong Kapaskuhan.

Kaya tama lang aniya ang desisyon ng pamahalaan na hindi magdeklara ng cease fire ngayong Kapaskuhan.

Facebook Comments