BATAS MILITAR | CPP, ipinag-utos sa NPA na magsagawa ng opensiba

Manila, Philippines – Ipinag-utos ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa armed division nito na New People’s Army (NPA) na magkasa ng opensiba sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Ito ay bilang tugon sa extension ng martial law sa Mindanao.

Inatasan ang lahat ng NPA units na labanan ang itinuturing nilang ‘worst fascist’ units at officers ng AFP na nakagawa ng matinding krimen laban sa mamamayan.


Iginiit ng CPP na ang pagpapalawig ng martial law ay magdudulot lamang ng patuloy na pagpatay, pagdukot, pagpapahirap at pag-abuso sa mga tao.

Magreresulta rin ito ng matinding korapsyon sa AFP at PNP.

Samantala, iginiit ni CPP Founder Jose Maria Sison na ang Executive Order 70 ni Pangulong Duterte ay hakbang lamang para tuluyang ibasura ang peace talks sa national level.

Sa ilalim ng EO 70, pinabubuo ang national task force na layong tuldukan ang communist-armed conflict sa bansa.

Facebook Comments