BATAS MILITAR | Desisyon ng mga Senador sa posibleng pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao, nakasalalay sa briefing ng security cluster

Wala pang kongkretong posisyon ang mga Senador kaugnay sa posibleng pagpapalawig muli ng Martial law na umiiral sa buong Mindanao.

Nakakasiguro si Senate President Tito Sotto III, na magsasagawa muna ng briefing sa mataas at mababang kapulungan hinggil dito ang Armed Forces of the Philippines o AFP.

Umaasa naman si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na ang briefing ng security cluster ay isasagawa sa lalong madaling panahon para maging gabay nila sa pagdedesisyon.


Tiniyak naman ni Committee on public order and dangerous drugs chairman Senator Panfilo Ping Lacson na pag-aaralan muna nilang mabuti ang sitwasyon sa Mindanao bago sila magpasya.

Sabi naman ni committee on national defense and security Chairman Senator Gringo Honasan, mahalagang mapakinggan muna nila ang panig ng mga tagapagpatupad ng batas-militar, mga makikinabang dito at umano ay mga biktima.

Facebook Comments