BATAS MILITAR | DOJ, suportado ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao

Manila, Philippines – Suportado ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapalawig ng martial law sa buong Mindanao.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na wala silang nakikitang dahilan para pagdudahan ang report ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa umiiral na rebelyon sa Mindanao.

Sa halip, kailangan aniyang matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa Mindanao.


Idinagdag ni Guevarra na hangga’t may factual basis ang sandatahang lakas sa pagpapalawig sa martial law, susuportahan ito ng DOJ.

Facebook Comments