BATAS MILITAR | Kongreso may oras pa para magdesisyon sa kahihinatnan ng martial law sa Mindanao

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang aabot pa sa oras ang Kongreso na magdesisyon sakaling irekomenda ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang martial law sa Mindanao.

Hanggang ngayon kasi ay wala pang anunsiyo ang Malacañang sa desisyon ni Pangulong Duterte sa rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) na i-extend ang batas militar sa buong rehiyon.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, sa oras na isumite na ni Pangulong Duterte ang kayang rekomendasyon sa Kongreso ay naniniwala siyang may oras pa ang mga mambabatas para magdesisyon kung papayagan ito o hindi.


Una nang sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na walang expansion ng lugar o tanging sa Mindanao lang ang rekomendasyon na isailalim mulit sa Martial law pero depende din naman aniya kay Pangulong Duterte kung babawasan ang mga lugar na masasaklawan ng batas militar.

Facebook Comments