Suportado ng lahat ng Local Government Units (LGUs) sa Mindanao ang extension ng martial law sa ikatlong pagkakataon.
Ayon kay DILG Assistant Secretary at Spokesperson Jonathan Malaya, maliban sa mga LGUs, sumama na rin ang mga umbrella organization ng nga LGUs at ang Union of Local Authorities in the Philippines o ULAP sa mga nagpasa ng resolusyon na sumusuporta sa naturang hakbang.
Naniniwala aniya ang mga elected local government officials na nakatulong ang martial law sa pagpapabuti ng peace and order sa kanilang nga lugar.
Sinabi pa ni Malaya na makatutulong ang extension ng martial law sa pagdaraos ng midterm elections partikular sa mga pook na matindi political rivalries.
Una na ring nagpahayag ng pagsuporta rito ang Philippine Councilors League o PCL.
Ayon kay PCL National Chairperson Danilo Dayanghirang, maliit na bilang lamang ang sumasalungat sa extension ng martial law.
Karamihan aniya rito ay mga grupo pulitikal na gustong hindi magtagumpay ang administasyong Duterte.