Manila, Philippines – Didesisyunan na ng Supreme Court sa susunod na buwan ang mga petisyong kumukwestyon sa one year martial extension sa Mindanao.
Matatandaang isinampa ang huling petisyon noong Enero 12.
Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, nakasaad sa konstitusyon na mayroong 30-day deadline ang SC para magbigay ng desisyon.
Iginiit ni Lagman, naisakatuparan na ang layunin ng unang deklarasyon ng batas militar sa Mindanao dahil napalaya ng mga pwersa ng pamahalaan ang Marawi City mula sa mga terorista.
Naniniwala ang mambabatas na wala na anyang kakayahan ang mga remnant na ito para ipagpatuloy ang rebelyon.
Facebook Comments