BATAS MILITAR | Mungkahing palawigin muli ang martial law sa Mindanao, masusing pag-aaralan – Sen. Gatchalian

Tiniyak ng Senado na pag-aaralan nila ang posibilidad ng muling pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao.

Ayon kay Senate Committees on Economics Chairman Senator Sherwin Gatchalian, pag-aaralan nilang mabuti kung bakit kailangang palawigin pa ang martial law.

Tulad ng naunang pagpapalawig, magkakaroon aniya ng full briefing ang bawat senador sa isang executive session.


Matatandaang Mayo 23, 2017 nang ipatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law sa Mindanao kasunod ng pananakop ng Maute-ISIS group sa Marawi City.

Una nang ring inaprubahan ng dalawang beses ng Kongreso ang pagpapalawig nito noong Disyembre 2017 at nakatakdang i-lift o alisin sa katapusan ng taon.

Facebook Comments