BATAS MILITAR | SP Sotto, nagbabalang tatapusin agad ang sesyon kapag tinalakay ang chacha

Manila, Philippines – Nagbabala si Senate President Tito Sotto III na agad isasara ang sesyon kapag isiningit ang usapin ng charter change sa joint resolution para sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Ayon kay Sotto, hindi siya papayag na mahaluan ng ibang isyu ang sesyon ngayong araw hinggil sa extension ng batas militar.

Aniya, mahalagang mapagtuunan ng pansin kung aaprubahan o hindi ang martial law extension.


Facebook Comments