Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Student Fare Discount Law o Republic Act 11314, batas na nagbibigay ng 20% discount sa pamasahe ng mga estudyante sa mga pampublikong transportsyon.
Sakop ng naturang batas ang lahat ng uri ng pampublikong trasportasyon gaya ng jeep, bus, taxi, tren 9MRT, LRT at PNR), transport network vehicle services (TNVS), maging sa barko at eroplano.
Discounted ang mga estudyante mula elementarya hanggang kolehiyo, pati na technical-vocational school students.
Kinakailangan lang magpakita ng valid school ID o validated enrollment form para mabigyan ng discount sa pamasahe.
Hindi naman kasama ang mga enrolled sa post-graduate studies (masters, doctorate degress, medicine, law), short-term courses o seminar gaya ng dancing o driving schools.
Hindi rin magagamit ang discount sa mga promotional fare sa airlines, shipping lines, at iba pa.
Aabot sa 30 milyong estudyante ang makikinabang sa Student Fare Discount Law ayon kay Senator Sonny Angara, sponsor ng batas.
Author ng batas na ito si Senator Paolo “Bam” Aquino IV, co-author si Senator Sherwin Gatchalian, at co-sponsored ni Senator Grace Poe.