
Napapanahon nang baguhin ang batas na batayan sa pagkakabuo ng PCAB o Philippine Contractors Accreditation Board.
Ayon kay Senator Tito Sotto III, ito’y upang maging mas malinaw ang pagbabawal sa mga opisyal nito na pumasok sa kontrata sa gobyeno.
Sa Kapihan sa Manila Bay, inihayag ni Sotto na wala itong ipinag-iba sa isang naitalagang hukom na bawal nang tumanggap ng kaso bilang abogado.
Pinahihigpitan din ng senador ang patakaran ng PCAB sa pag-accredit sa mga kumpanya upang maiwasan na ang sitwasyon tulad sa nangyari sa mga Discaya.
Partikular ang pagsali sa bidding ng siyam na kumpanya na iisa ang may-ari.
Kasama rin sa pinasisilip ng senador ang Construction Industry Authority of the Philippines (CIAP) na nasa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI).









