Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Senator Grace Poe na pag-aralan at lapatan ng ameyenda ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act na syang lumikha sa National Disaster Risk Reduction and Management Council noong 2010.
Ang pahayag ni Sen. Poe ay kasunod na mga kalamidad na nararanasan ng bansa kung saan pinakahuli ay ang malalakas na lindol sa Visayas region.
Ayon kay Senator Poe, dapat iakma ang batas sa tindi ng mga kalamidad na tumatama sa bansa para maprotektahan ang buhay ng mamamayan at malimitahan ang pinsala nito.
Tinukoy ng senadora na malinaw naman ang nakalaoob sa batas na dapat itong isailalim sa congressional oversight committee para matiyak kung epektibo pa rin ito o kung may kailangang baguhin.
Kasabay nito ay isinulong din ng senadora ang pagtatayo ng isang disaster resilience and emergency management agency na nakatutok lang sa lahat ng hakbang patungkol sa trahedya o kalamidad na humahagupit sa bansa.