Batas na magbibigay ng habambuhay na seguridad sa mga Presidente laban sa sakit, nilagdaan na ni Russian President Vladimir Putin

Nilagdaan na ni Russian President Vladimir Putin ang panukalang batas na magbibigay ng habambuhay na seguridad sa mga Presidente laban sa sakit oras na bumaba na sila sa pwesto.

Ang batas ay inihain kahapon kung saan maliban dito, kasama rin ang kanilang pamilya sa hindi masasaklaw na masampahan ng kaso habambuhay.

Habang exempted rin ang mga ito na makwestiyon ng mga pulis at imbestigador maging ang pagsasagawa ng search at arrest.


Magkakaroon lamang ng kaso ang Presidente kung ito ay nasa pwesto pa at naharap sa mabigat na kasalanan o nasampahan ng grave crimes na nagmula at kinumpirma ng Supreme at Constitutional Courts.

Facebook Comments