Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na magsasagawa pa ng konsultasyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung lalagdaan ang niratipikahang batas na magbibigay ng libreng edukasyon sa state universities and colleges sa buong bansa o sa mga SUCs.
Nabatid na sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nasa tanggapan na ni Pangulong Duterte ang naturang panukala at naghihintay nalang ng lagda nito.
Ayon kay Presidential Communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag, aalamin ng Pangulo sa kanyang Economic Managers ang kanilang saloobin sa naturang batas.
Sinabi ni Banaag na sa ngayon ay hindi pa nila masabi kung lalagdaan o ibabasura ni Pangulong Duterte ang nasabing batas.
Matatandaan na inirekomenda umano ni Budget Secretary Benjamin Diokno kay Pangulong Duterte na i-Veto o ibasura ang nasabing batas dahil masyadong malaki ang magiging pondo para dito.
Nabatid na kanina ay nagpulong dito sa Malacanang ang Economic team ni Pangulong Duteret dito sa Malacanang kasama sina Senate President Koko Pimentel, Cynthia Villar, Loren Legarda, at Senador Sonny Angara kung saan pinagusapan nasabing batas.
Batas na magbibigay ng libreng tuition na mga SUCs, ikokonsulta pa ni Pangulong Duterte sa kanyang economic managers
Facebook Comments