Batas na maglalagay ng Social Welfare attache sa mga bansang maraming OFW nilagdaan na ni Pangulong Duterte

Nilagdaan na bilang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang tutukan pa ng gobyerno ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers o OFW.

 

Batay sa nilagdaan ng pangulo na Republic Act number 11299 ay inaatasan ng batas ang Department of Social Welfare and Development o DSWD na magtatag ng social welfare attaches sa mga bansang mataas ang bilang ng mga Pilipino .

 

Batay sa batas, ito ay para mabilis na matugunan ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga OFW na naghahanap ng psychosocial services tulad ng mga biktima ng illegal recruitment, rape, at iba pang pagmamalabis ng kanilang mga employers.


 

Ang DSWD din ang maghahanda ng mga katangian ng mga mapipili sa diplomatic post at ang mga bubuo naman ng implementing rules and regulations ay ang DSWD, DFA, DOH, DOLE, at POEA .

 

Ang DSWD rin ang magtatakda ng criteria para sa pagpili ng ilalagay sa diplomatic posts.

Facebook Comments