Batas na magpapalakas ng pamumuhunan sa bansa, nilagdaan na ni PBBM

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang Create MORE o Create to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy Bill o RA 12066.

Inamyendahan ng batas ang National Internal Revenue Code na magpapahusay pa tax incentive policy at magpapalakas ng pamumuhunan sa Pilipinas.

Sa ilalim nito ay pinalawig ang tax incentives sa dagdag pang 10 taon o mula sa dating 17 taon patungo sa 27 taon.


Habang bumaba rin ang corporate income tax rate ng registered business enterprises (RBEs) sa 20 percent mula 25 percent.

Dodoblehin din ang deductions sa gastos sa kuryente na kabawasan sa gastusin ng manufacturing sector.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang batas na ito ay patunay na bukas ang Pilipinas sa negosyo at para sa mas malakas at inclusive na paglago ng ekonomiya.

Magiging institutionalized na rin ang adoption ng flexible work arrangements bilang business mode sa mga RBE’s na nag-o-operate sa loob ng economic zones at freeports nang hindi naaapektuhan ang kanilang tax incentives.

Facebook Comments