Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na layong palakasin ang domestic at global competitiveness ng micro, small, and medium enterprises o MSME.
Ito ay ang Republic Act 11293 o Philippine Innovation Act.
Itatatag nito ang National Innovation Council (NIC), para i-develop ang goals, priorities at long-term national strategy.
Pamumunuan ito ng Pangulo, co-chaired ng NEDA director-general at ilang cabinet members partikular sa DOST, DTI, DA, DENR, DOH, DOTr, DOE, DND at DFA.
Trabaho ng NIC na bumuo ng minimum na 10-year plan kung saan nakadetalye ang vision at long-term goals ng bansa.
Mayroong initial 1 billion peso fund para palakasin ang entrepreneurship at enterprises kung saan makikinabang ang mga mahihirap.
Facebook Comments