Batas na magpapalaya sa pagkakautang ng mahigit 600,000 agrarian reform beneficiaries sa lupang iginawad sa kanila pinirmahan na ni PBBM

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang New Agrarian Emancipation Act.

Sa talumpati ng pangulo sa isinagawang signing ceremony sa Palasyo ng Malacañang, sinabi nitong nagpapasalamat siya sa Kongreso at Senado sa mabilis na pagpasa sa panukalang batas.

Ito aniya ay makakatulong sa pagpapaganda ng sektor ng agrikultura at buhay ng mga magsasaka.


Sa ilalim ng pinirmahang batas, buburahin na ang lahat ng hindi nabayarang amortisasyon ng prinsipal na utang kung saan makikinabang ang mahigit 600,000 agrarian reform beneficiaries (ARBs) na binigyan ng 1.173 milyong ektaryang lupain.

Aakuin ng gobyerno ang obligasyon ng mahigit 10,000 ARBs na nagsasaka ng mahigit 11,000 ektaryang lupa na bayaran ang natitirang balanse ng direktang kompensasyon na dapat bayaran para sa mga kinauukulang may ari ng lupa sa ilalim ng Voluntary Land Transfer o VLT o ang direct Payment Scheme na nagkakahalaga ng mahigit ₱201 milyon.

Tatanggalin ng kondonasyon ang mga mortgage lien sa mga iginawad na lupain at ang mga ARB ay hindi na rin pagbabayarin ng estate tax.

Maliban dito ang mga ARB na nakabayad na nakabayad ng buo ng kanilang utang bago ang condonation ay bibigyan ng prayoridad sa mga pasilidad ng pautang at suportang serbisyo sa mga magsasaka.

Facebook Comments