Batas na magre-regulate sa occupational therapy practice, nilagdaan na ni PRRD

Manila, Philippines – Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na mangangasiwa sa registration, licensure at practice ng occupational therapy sa Pilipinas.

Ito ay ang Republic Act 11241 o The Philippine Occupational Therapy Law.

Sa ilalim ng batas, magtatatag ng Board of Occupational Therapy sa ilalim ng pamamahala ng Professional Regulations Commission (PRC) na binubuo ng chairperson at dalawang miyembro na itatalaga ng Pangulo sa loob ng anim na buwan pagkatapos ipatupad ang batas.


Ang board ay may mandatong supervisory at regulatory sa occupational therapy sa bansa.

Ang board din mismo ang mag-iisyu, reinstate, suspend, cancel o magre-revoke ng registration at lisensya o special permits para sa pagpa-practice ng occupational therapy.

Magkakaroon din ng adoption at promulgation ng code of ethics and standards of practice para sa occupational therapist at professional development program para sa mga practitioner nito.

Magiging epektibo ang batas 15 araw pagkatapos nitong mailathala sa official gazette o sa mga iba pang pahayagan.

Facebook Comments