Batas na magtatatag ng Sen. Edgardo Angara General Hospital sa Nueva Ecija, pirmado na ni PBBM

Itatayo na ang Sen. Edgardo J. Angara General Hospital sa San Jose City, Nueva Ecija, matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Republic Act No. 12113.

Nakasaad sa batas na itatayo sa lungsod ang level 2 general hospital, at mapapasailalim ito sa kontrol at superbisyon ng Department of Health (DOH).

Tututukan ng pagamutan ang prenatal testing, obstetrics at gynecological services, pediatrics care, lactation programs, nutrition services, neonatal care, immunization services, postpartum depression support, education classes for parenting, at women’s and children’s health awareness.


Kasunod nito, iniutos ng Pangulo ang paglalaan ng pondo para sa itatayong ospital.

Samantala, nilagdaan na rin ang RA No. 12112 na magtatatag ng level 2 hospital sa Rodriguez Rizal, at tatawagin itong Northern Tagalog Regional Hospital.

Facebook Comments