Batas na makakatulong sa mga magsasaka at mangingisda ngayong may bagyo, hiniling ng isang senador na ipatupad

Hinimok ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang ahensya at mga local government units (LGUs) na ipatupad ang Sagip Saka Act o ang Republic Act 11321 na makakatulong sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng pinsalang dala ng bagyong Crising at habagat.

Ayon kay Pangilinan, ang pagpapatupad ng batas ay makakatulong para sa food security ng bansa at mapapadali ang procurement ng mga agricultural products para sa relief operations.

Sa ilalim ng batas, pinapayagan dito ang direktang pagbili ng mga LGUs ng mga produkto sa mga magsasaka at mangingisda para mapabilis ang procurement process tuwing may emergency.

Ipinunto pa ng senador na bukod sa makakatulong ang batas sa mga magsasaka at mangingisda na matinding apektado ng kalamidad, maituturing din itong win-win situation dahil makakapamahagi ang mga LGUs ng masustansya at locally-sourced na pagkain para sa mga biktima ng bagyo na nasa evacuation centers.

Naniniwala si Pangilinan na malaking tulong ang batas lalo na sa panahon ng krisis at mga kalamidad.

Facebook Comments