
Ganap nang batas ang panukalang nag-aamyenda sa Right-of-Way Act matapos itong lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Layunin ng bagong Accelerated and Reformed Right-of-Way Act na mapabilis ang pagkuha ng lupa para sa malalaking proyekto gaya ng Metro Manila Subway at iba pang imprastraktura.
Saklaw nito ang mga proyektong isinasagawa sa ilalim ng public-private partnerships at mga sektor tulad ng kuryente, tubig, telekomunikasyon, paliparan, daungan at irigasyon.
Ipinag-uutos din ng batas ang paghahanda ng Right-of-Way Action Plan bago bumili ng lupa, kabilang ang pagtukoy sa mga maaapektuhan, pagtataya ng kabayaran at konsultasyon sa mga stakeholders.
Facebook Comments









