Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11590 o ang batas na magbubuwis sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO)
Ayon kay Presidential Spokesman Sec. Harry Roque, bahagi ito ng mahigpit na pagri-regulate ng pamahalaan sa lahat ng klase ng sugal at pagbabawal sa ilegal na sugal sa bansa.
Sa ilalim ng batas, 60% sa makokolektang buwis mula sa POGO ay gagamitin sa Universal Health Care Program.
20% ay mapupunta sa pagpapalakas sa medical facilities, habang ang natitirang 20% ay para sa sustainable development goals.
Nilagdaan ng pangulo ang batas, ika-22 ng September 2021.
Facebook Comments