Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nagdedeklara ng special non-working day sa Zamboanga Sibugay tuwing February 24 taon-taon.
Sa bisa ng Republic Act No. 12067, nakasaad na ito ay para sa founding anniversary ng lalawigan, at tatawagin itong “Araw ng Sibugay.”
Samantala, idineklara namang special non-working day sa Cainta Rizal ang Dec. 2 para sa kanilang founding anniversary at Sumbingtik Festival batay sa Proclamation No. 740.
Special non-working day rin sa Meycauayan Bulacan sa Dec. 10 at Dec. 18 sa Tuguegarao City, Cagayan para sa kanilang founding anniversaries.
Facebook Comments