Ipinapawalang bisa ni Senator Sherwin Gatchalian ang batas na nagle-legalize sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.
Ang naturang batas ay ang Republic Act 11590 o An Act Taxing Philippine Offshore Gaming Operators.
Ayon kay Gatchalian, si Senate Minority Leader Koko Pimentel ang nagbigay suhestyon na ipa-repeal o ipawalang bisa na ang nabanggit na batas dahil ito ang naging daan para maging legal ang POGO operation sa bansa.
Kinatigan naman ng senador ang mungkahing ito ni Pimentel.
Sa ilalim ng batas, mayroon dapat third party auditor na magmo-monitor ng kita ng POGO.
Pero sa ngayon, wala na ang third-party auditor sa mga POGO na kinwestyon din ng Senado dahil kinuha ng PAGCOR pero kulang naman sa dokumento.
Dahil sa mga paglabag na ito ng POGO, muling iginiit ni Gatchalian na tuluyan nang hindi payagan ang operasyon nito sa bansa.