Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Republic 11986 o batas na naglilikha ng isang barangay sa Bayan ng Barobo, Surigao del Sur.
Sa ilalim ng naturang batas, tatawagin ang barangay na ito bilang “Barangay Guinhalinan.”
Batay sa apat na pahinang batas na nilagdaan ng Pangulo noong March 21, inaatasan ang Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng plebisito sa Brgy. Guinhalinan sa loob ng tatlong buwan mula sa bisa ng RA 11986 na sasagutin ng Munisipalidad ng Barobo.
Inaatasan din ang alkalde ng Barobo na magtalaga muna ng Punong Barangay, pitong Kagawad, Sangguniang Kabataan Chairman, at pitong SK Kagawad, hanggang sa magkaroon na ng maihahalal sa posisyon.
Magkakabisa ang naturang batas, 15 araw matapos ilimbag sa Official Gazette at sa iba pang pahayagan.